Hindi lamang ang Gilas Pilipinas ang tiyak na aabangan ng Pinoy basketball fans sa darating na Manila Olympic Qualifying Tournament (MOQT) para sa 2016 Rio Summer Olympics, kundi maging ang mga foreign team.

Maliban sa New Zealand, lahat ng apat na koponang kalahok sa OQT ay may mga manlalarong galing sa NBA at iba’t ibang mga professional European leagues.

Ang unang kalaban ng Gilas na France ay sasandigan nina NBA superstar Tony Parker ng San Antonio Spurs at Nicolas Batum ng Charlotte Hornets.

Bukod sa dalawa, tiyak na aantabayanan ng mga local cage fans ang pointguard na si Nando de Colo na dating naglaro sa San Antonio at ngayo’y nasa CSKA Moscow na sinasabing susunod na lider ng koponan ng France.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Ang New Zealand, isa pang katunggali at kagrupo ng Gilas sa Group B ay mayroon namang 6-foot-9 center na si Isaac Fotu at 6’4” small forward na si Tai Webster.

Para naman sa koponan ng Canada, pangungunahan ni team manager at one-time NBA MVP Steve Nash, ang pambato ay sina Corey Joseph na back- up ni Kyle Lowry sa Toronto Raptors at Dillon Brooks , dating star ng University of Oregon.

Nangunguna naman para sa Senegal ang 6-foot-9 forward na si Maurice N’Dour na naglaro para sa Spanish basketball champions, Real Madrid, at 6’11 center Ibrahima Thomas.

Sa kampo ng Turkey, palaban sina New Orleans center Omar Asik, at power forward Anthony Davis. (Marivic Awitan)