Mga laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

2 n.h. -- AMA vs Cafe France

4 n.h. -- Racal vs Blustar Detergent

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tatangkain ng defending champion Café France na maagang makabawi sa pakikipagtuos sa AMA Edudation Online sa tampok na laro sa double-header ng 2016 PBA D-League Foundation Cup bukas sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Natuldukan ang three-game winning streak ng Bakers nang mabigo sa Tanduay Rhum Master, 84-80, noong nakaraang Huwebes.

Nakalalamang ng 20-puntos sa huling bahagi ng first half, unti-unting bumigay ang Bakers sapat para tuluyang maagaw ng Rhum Masters ang panalo.

Labis na pagiging kampante matapos lumamang ng malaki ang nakitang problema ni Bakers coach Egay Macaraya na sisikapin nilang solusyunan at alisin bilang ugali ng kanyang koponan para sa mga susunod nilang laban.

“Yun ang dapat na mawala sa kanila, nagri-relax kapag nakalamang na ng malaki.Dapat lahat ng kalaban respetuhin mo dahil lahat ‘yan may kakayahan na manalo,” ayon kay Macaraya.

Sa ikalawang laro, masusubok ang Racal sa all-Malaysian squad Blustar Detergent sa 4:00 ng hapon.

Galing sa panalo sa kanilang huling laban kontra Topstar ZC Mindanao, tatangkain ng Tile Master na maiposte ang unang back-to-back win ngayong conference kontra Dragons na kinabog sa kanilang huling laro kontra Accelerators sa isang dikdikang laban na nagtapos sa 97-94.

“We must learn how to start strong. We have to play with the same level of intensity all throughout the game, hindi puwede yung palagi kaming naghahabol,” pahayag ni Racal coach Caloy Garcia. (marivic awitan)