Hahataw si WBO No. 1 ranked Jason “El Nino” Pagara laban kay Mexican Abraham Alvarez sa main supporting bout sa Pinoy Pride series ng ALA Promotions sa San Mateo Events Center sa Hulyo 9 sa San Francisco Bay Area, California sa Estados Unidos.

Magsisilbing main event sa sagupaan ang duwelo ng walang talong kapatid ni Jason na si Prince Albert Pagara laban sa isa pang Mexican na si one-time world title challenger Cesar Juarez.

May rekord si Alvarez na 21-9-1 win-loss-draw na may 10 panalo sa knockouts at nangakong patutulugin si Pagara para maagaw ang mataas na world rankings ng Pilipino.

Dapat namang kumbinsidong magwagi si Pagara para magkaroon siya ng pagkakataong hamunin si WBO super lightweight champion Terence Crawford na kakasa kay WBC light welterweight Victor Postol ng Ukraine sa unification bout sa Hulyo 23 sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Mar kartada si Pagara na 38-2-0 win-loss-draw na may 23 pagwawagi sa knockouts at inaasahang mapapalaban siya sa world title but kapag umakyat ng timbang si Crawford. (Gilbert Espena)