ALGIERS (AFP) – Pansamantalang hinarang ng Algeria ang access sa mga social network sa bansa nitong Linggo upang maiwasan ang kopyahan sa pagsusulit kasunod ng leakage na nagbunsod upang daan-daang libong estudyante sa high school ang mag-ulit ng exam.

Naka-block ang Facebook at Twitter simula nitong Sabado at mananatiling inaccessible sa milyun-milyong Algerian hanggang sa matapos ang pagsusulit sa Huwebes, sinabi ng telecom source sa AFP.

Ang desisyon ay “directly linked to the baccalaureate” at layon na “protecting students from falling prey to fake questions” na nakapaskil online, ayon sa source.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture