NANTES, France -- Nabuo na ang grupo at ang schedule ng laban sa Women’s Olympic Basketball Tournament sa Rio Games sa pagtatapos ng huling FIBA Women’s Olympic Qualifying Tournament (WOQT) nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Nakakuha ng puwesto sa quadrennial Games ang Belarus, China, France, Spain at Turkey sa isinagawang 12-team tournament dito nitong Hunyo 13-19.

Matapos ang torneo, kaagad na isinagawa ang draw of lots kasama ang limang naunang kwalipikadong koponan para mabuo ang dalawang grupo na binubuo ng 12 koponan.

Nasa Group A ang France, Japan, Brazil, Australia, Belarus at Turkey, habang nasa Group B ang Canada, Spain, USA, Senegal, Serbia at China.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya