Nakatuon ang programa ng bagong coach ng Mahindra sa depensa.

Ito ang inihayag ng interim coach ng Enforcers na si Chris Gavina sa nakaraang tune- up game kontra Barangay Ginebra Kings nitong Sabado sa pagbabalik ng PBA campus tour sa Arellano University.

Nais ni Gavina, dating conditioning coach ng koponan na ipinalit sa nagbitiw na si Chito Victolero, na makilala ang Enforcers bilang isang “ defense oriented squad”.

Sasandigan ang kanilang kampanya ng mala-moog na depensa upang maiangat ang koponan mula sa malamyang ikasiyam na puwesto sa nakaraang taong Governors Cup.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Kailangan talaga naming making defensive minded, ‘yun ang lagi kong ini-emphasize sa practice,” ayon kay Gavina.

“Walang kuwenta yung offense namin kung di naman namin kayang madepensahan ‘yung kalaban,” aniya.

Nakita ang malaking pagkukulang ng Mahindra sa depensa matapos silang tambakan ng Ginebra sa kanilang laban, 69-85.

Kaya lalong nakumbinsi si Gavina na dapat matuto ang kanyang koponan na dumepensa. - Marivic Awitan