Asam ng four-man Philippine powerlifting team, sa pangunguna ni Joan Masangkay na makapag-uwi ng medalya sa kanilang pagsabak sa Powerlifting Classic Championships sa Killeen, Houston, Texas. USA.

Pamumunuan ng 16-anyos mula sa Masbate ang koponan na kinabibilangan din nina Veronica Ompod sa female 43-kilogram sub-junior division, Jeremy Reign Bautista sa male 52kg. sub-junior division, at Leslie Evangelista sa men’s 47kg open division.

Nakapagbuhat na si Masangkay ng 82.5kg. sa snatch, 35kg sa bench press, at 100kg sa deadlift para sa total-217.5kg, habang si Ompod ay may squat 85kg, bench press 42.5kg at deadlift 100kg para sa total 227.5kg.

Itinala naman ni Evangelista ang Philippine national record sa squat 115kg, bench press 65kg at deadlift 150kg tungo sa total-330kg; at si Bautista ay may squat 90kg, bench press 60kg, at deadlift 127.5kg pa-total-277.5kg.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Kasama ng apat na atleta na nagtungo sa Amerika noong Sabado ng gabi sina coach at Powerlifting Association of the Philippines president Eddie Torres, PAP secretary general, at chef de mission Ramon Debuque at director Cirilio Dayao.

“Ibubuhos lahat ng ating mga atleta ang kanilang makakaya para makapag-uwi ng medalya tulad nang ginawa ng mga kasamahan nila na may 23 gold, nine silver at three bronze medals sa 2016 Asian Powerlifting Championships sa India noong Hunyo 6-12, “ sambit ni Dayao.

May 733 atleta ang nagparehistro sa kumpetisyon. Kabilang sa mga kalahok ang Estados Unidos, Britain, Germany, Poland, Canada, France, Japan, Ireland, Mexico, Sweden, New Zealand, Russia, at Australia. (Angie Oredo)