JANICE LANG_please crop copy

HANGGANG ngayon, mukhang umiiwas pa rin si Janice de Belen na makatrabaho si John Estrada. At kahit wala namang nagiging problema sa pakikipagtrabaho niya sa asawa ni John na si Pricilla Meirelles sa Be My Lady, umiiwas pa rin si Janice na makatrabaho ang ex-husband.

“Nakatrabaho ko naman ang asawa niya, kaya okey na ‘yun,” napatawang sabi ni Janice.

Paliwanag ni Janice, wala na silang problema ni John.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

“Okey naman kami ni John. Hindi naman kami magkagalit ngayon. Pero may mga bagay bagay na hindi p’wede talaga. Kaya nga kami hiwalay in the first place kasi meron kayong hindi napagkasunduan. At ‘yun na ‘yun,” sey ng aktres.

Kahit okey sila at walang galit sa isa’t isa ngayon, hindi raw puwedeng sabihin na okey na rin na magkasama sila sa isang project.

“Kumbaga, hindi guarantee na porke okey kami ngagyon, eh, magiging okay rin ‘yung working relationship namin. Sa totoo lang naman, kami mismo may disagreement na kami bilang tao, so huwag na lang talaga,” naiiling pang sambit ni Ms. Janice.

Sa pagsasama nga raw nila ni Priscilla sa project ay pilit nang ginagawan ng isyu, lalo na raw kung sila na mismo ng dating asawa.

“Totoo lang naman ‘yun, si Priscilla pa nga lang ang katrabaho ko, eh, parang ang laki na ng isyu. Can you imagine kung magkatrabaho na kaming dalawa. Kumbaga, parang ang weird na pinag-uusapan kayo ng mga tao.

“Iba rin ang dating noon para sa asawa niya. Kaya I do not like to put her in a position like that,” sey pa ng premyadong aktres. (Jimi Escala)