HULING episode na ang “Alamat ng Matsing” ng second season ng Alamat ngayong Linggo (June 19) na pagbibidahan ni Miggs Cuaderno.

Bibigyang-boses ni Miggs si Atoy na wala nang ibang inatupag buong araw kasama ang ubod ng pilyo ring mga kapatid na sina Buboy at Cocoy kundi maglaro, maglambitin sa puno at mamerhuwisyo ng kapwa. Halos sumuko na ang kanilang Tatay Paden sa kakulitan at pamimilosopo nila sa pangangaral at pagmamahal nito sa kanila.

 

Kaya parurusahan sila ng Diwata ng Kagubatan.

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

Hindi ito ang unang voice acting sa animation ni Miggs, narinig na rin kasi ang tinig niya bilang Keita sa Yo-Kai Watch anime series sa GMA.

Makakasama ni Miggs sa episode na ito si John Feir bilang Tagapagsalaysay at kaabang-abang ang gagawing song and dance number na patama sa mga pilyong bata.

Ang “Alamat ng Matsing” na mula sa panulat ni Danzen Santos-Katanyag ay mapapanood ngayong Linggo, 5:15 PM, sa GMA.