ORLANDO, Florida (Reuters) – Natagpuan ng mga pulis noong Miyerkules ang bangkay ng isang 2 taong gulang na lalaki na sinakmal ng isang alligator sa harap ng kanyang pamilya habang nagbabakasyon sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Naglalaro ang bata sa gilid ng tubig noong Martes ng gabi nang sakmalin ito ng hayop at kaladkarin patungo sa lagoon sa kabila ng pagsisikap ng mga magulang nito na siya ay sagipin.

Sinabi ni Orange County Sheriff Jerry Demings na nakita ang bangkay ng bata malapit sa lugar kung saan ito naglaho at buo ang katawan nito. Naniniwala sila na nilunod ng alligator ang bata.

Ang alligator ay pinaniniwalaang nasa 4 hanggang 7 talampakan ang haba.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo