Nasungkit ng Arellano University ang ikalawang sunod na kampeonato sa men’s division crown, habang nakopo ng University of the East ang women’s diadem sa 22nd Fr. Martin Cup Summer Basketball League kamakailan, sa San Beda gymnasium.

Nagwagi naman ang National University Bullpups sa junior division.

Hataw sina Jiovani Jalalon at Kervin Flores sa krusyal na sandali para sandigan ang Chiefs sa 84-79 panalo laban sa Adamson Falcons, at makamit ang kampeonato sa seniors class.

Kumana naman si Daniel Atienza ng pito sa kabuuang 11 puntos sa overtime para gabayan ang NU Bullpups kontra Adamson Baby Falcons, 91-83.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Kumubra si Ruth Tacula ng 21 puntos, habang umiskor sina Love Joy Domingo at Eunique Chan ng 18 at 17 puntos, ayon sa pagkakasunod, para sa UE Lady Warriors kontra Adamson Lady Falcons, 74-70.

Nanguna sa Falcons na may tig-12 puntos sina Kenneth Miranda at Rob Manalang.

“Bihirang mangyari ang back-to-back title. Grabe ang laban. Pahirap nang pahirap. Lahat ng best team kasi ng NCAA nandito,” sambit ni Arellano Chiefs coach Jerry Codinera.

Sa Junior side, naisalpak ni Atienza ang krusyal na basketball sa huling 10 segundo para mahila ang laro sa overtime. Sa extra period, ang free throw ni Atienza ang sinandalan ng Bullpups.

“Lumaban ng todo ang mga bata. Dumepensa sila nang maayos kaya nakuha ito. Malayo pa ang UAAP kaya magandang preparation para sa amin,” ayon kay acting NU coach Leo Pujante.