Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

4 n.h. -- Balipure vs Laoag

6:30 n.g. -- NU vs Air Force

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagbalik-aksiyon na si volleyball superstar Alyssa Valdez at higit na tumatag ang BaliPure.

Ngayon, may pagkakataon ang Laoag na masukat ang husay ng three-time UAAP MVP sa kanilang pakikipagtuos sa nangungunang BaliPure sa pagpaaptuloy ng 2016 Shakey’s V League Open Conference sa San Juan Arena.

Tulad ng Purest Water Defenders, hangad din ng Philippine Air Force na makopo ang ikaapat na sunod na panalo sa pakikipagtipan sa National University sa ikalawang laro sa ganap na 6:30 ng gabi.

Nakopo ng BaliPure ang ikatlong sunod na panalo ng pangunahan ni Valdez ang koponan sa 26 na puntos para sa 20-25, 25-22, 15-25, 25-17, 15-12, panalo kontra University of the Philippines nitong Lunes.

Ito ang unang sabak ni Valdez sa aksiyon matapos ang kampanya sa Europe.

“Super struggle also kasi first time kong magiging teammates ‘yung iba kasi iba rin talaga ang feeling na nagte-training ka everyday, pupunta ka sa game na kumpleto,” sambit ng dating Ateneo star.

Mapapalaban siya sa mga Ilokana sa duwelo sa ganap na 4:00 ng hapon.

Sa pagbabalik ni Valdez, inaasahang mas tumindi ang firepower ng Water Defenders na kinabibilangan ng mga dating Ateneo standouts na sina Jem Ferrer, Gzi Gervacio, May Tajima, Ella de Jesus, Denden Lazaro, San Sebastian players Alyssa Eroa at reigning NCAA back- to- back MVP Gretchel Soltones, at dating San Beda ace hitter Janine Marciano.

Ngunit, nakaamba ang isang malakas na hamon mula sa Power Smashers na galing sa malaking panalo kontra dating co- leader Jet Spikers.

Maghahangad ang Laoag ng kanilang ikatlong panalo upang palakasin ang tsansa na makausad sa susunod na round.

Magtatangka namang makabalik sa win column ang Jet Spikers matapos na mabigo sa nakaraang laro kontra Lady Bulldogs na hangad namang makapagsimula muli ng isang winning streak matapos makabalik sa winner’s circle. (marivic awitan)