Natagpuan ng Alaska Aces ang import na puwedeng sumabay sa istilo nina Calvin Abueva at Vic Manuel sa paglarga ng PBA Governors’ Cup sa Hulyo 15.

Kinuha ng Aces si LaDontae Henton, kilalang “banger” sa NCAA college basketball sa koponan ng Providence Friars, bilang reinforcement sa season-ending conference.

Si Henton ang isa sa dalawang Friars na nakapagtala ng mahigit 2,000 puntos at 1,000 rebound sa US NCAA Division I tournament, kasama si Boston Celtics forward Ryan Gomes noong 2005.

May taas na 6-6 at bigat na 215 lbs., ang pambato ng Lansing, Michigan ay tanyag sa kanyang shooting at maliksing atake sa basket.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naitala niya ang averaged 19.7 puntos at 7.8 rebound noong 2011 hanggang 2015 career sa NCAA. Napili siya sa All Big East first team sa nakalipas na season.

Hindi nakuha si Henton sa 2015 NBA draft, dahilan para maglaro ito sa Baloncesto Sevilla team sa Spanish League kung saan nakapagtala siya ng 5.5 puntos at 2.1 rebound kada laro.

Nakatakdang dumating sa bansa si Henton sa Hunyo 20.

Sa kasalukuyan, tanging ang Phoenix Petroleum na lamang ang koponan na walang import.