Nakopo ng tambalan nina dating National player Jennifer Manzano at Judy Caballejo ng Philippine Air Force ang women's division title sa 2nd leg ng 2016 Tanduay Beach Volleyball Challenge nitong weekend, sa multi-court sand lot ng Cantada Sports Center sa Taguig City.

Ginapi ng Air Force tandem ang tambalan nina Kyle Atienza at MJ Ebro ng FEU sa championship match. Nakamit naman nina Lourdes de la Cruz at Malyn Mahilum ng Pamantasan ng Marikina ang ikatlong puwesto.

Sa men's division, naungusan ng NU Team 1 nina Fauzi Ismail at Madelan Gampong ang NU Team 2 nina James Natividad at Bryan Bagunas para sa kampeonato. Nakuha naman nina Madsairi Nut Amin at Roldan Medino ng Philippine Navy ang ikatlong puwesto.

Lumampas sa inaasahang dami ng koponan ang lumahok sa torneo na itinataguyod ng Philippine Volleyball Federation (PVF) sa pakikipagtulungan ng Joe Cantada Sports, Tanduay president Bong Tan, Jr., Century Park Hotel, MAPECON, at Toyota Balintawak.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Libre ang pagpapatala sa torneo at hiniling ni PVF President Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada sa mga interesadong koponan na magpatala nang maaga para sa susunod na leg.