Darating sa bansa ang reinforcement ng Talk ‘N Text na si dating NBA player Jason Dior Maxiell para sa kampanya ng Tropang Texters sa PBA Governors Cup.

Kinumpirma ni Sheryl Reyes, local agent ni Maxiell, na kumpirmado ang pagsabak ng beteranong player na tubong Chicago, Illinois at produkto ng University of Cincinnati. May taas itong 6-foot-7.

Ang 33- taong gulang na si Maxiell ay nakapaglaro sa mga koponang Detroit Pistons, Orlando Magic at Charlotte Hornets.

Manggagaling si Maxiell mula sa paglalaro sa Chinese Basketball Association sa koponan ng Tianjin Red Lions.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

(Marivic Awitan)