Dennis Trillo - Apo Island copy

SINABAYAN ni Dennis Trillo ang pagbabakasyon ng katambal niya sa Juan Happy Love Story na si Heart Evangelista with husband Sen. Chiz Escudero.

Nag-honeymoon muli, their first out of the country travel, ang mag-asawa after their wedding one year ago at pagkatapos ng 2016 election.

Eh, si Dennis aminado noong kausap namin sa set ng romantic comedy series na mahilig sila ng girlfriend niyang si Jennylyn Mercado na pumunta sa kung saang-saang vacation sites.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Kapag may nakikita kami ni Jen na magandang travel photos, nagdedesisyon kaming puntahan agad iyon,” kuwento ni Dennis. “Mas maganda iyong spontaneous ang desisyon na kapag nakita mo ang isang lugar na magandang puntahan, pupuntahan ninyo agad. Mas mahirap iyong matagal na pinaplano, pagdating ng oras, biglang hindi natutuloy, sayang ang preparasyon.”

Kaya this weekend, nag-post si Dennis ng picture sa kanyang Instagram account habang lumalangoy siya kasabay ang isang pawikan sa Apo Island in Negros Oriental. Wala siyang binanggit na kasama niya si Jennylyn, pero ayon sa “Chika Minute” sa 24 Oras Weekend, kasama niya ang anak na si Calix.

Nag-post din si Jennylyn ng sexy poses niya sa tabi ng beach, pero hindi niya sinabi kung saan iyon at kung sino ang kasama niya. So, alam na siyempre ng followers nila na magkasama nga sila.

Mukhang in-enjoy nila ang bakasyon at si Dennis, balik-taping na sa Juan Happy Love Story. May shooting na rin siya ng Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend sa Viva Films kasama sina Anne Curtis at Paolo Ballesteros, sa direksiyon ni Jun Lana.

Si Jennylyn, big question pa kung pipirma na muli ng contract sa GMA Network. June na kasi ngayon at natapos na ang contract niya sa Kapuso Network noon pang middle of May. (NORA CALDERON)