South Africa Pistorius Sentencing

SOMERSET WEST, South Africa (AP) — Balik-selda si Oscar Pistorius at 15 taon ang bubunuin niya sa loob ng bilangguan.

Didinggin ngayon sa South Africa’s Supreme Court of Appeal ang kasong murder na ipinataw sa two-time Paralympic champion bunsod nang pagbaril at pagpatay sa kanyang modelong nobya na si Keeva Steenkamp.

Ito ang ikalawang sentensiyang inapela ni Pistorius makalipas ang tatlong taon.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nauna nang nasentensiyahan si Pistorius ng mababang parusang ‘culpable homicide’, noong 2014 trial matapos tanggapin ang kanyang depensa na hindi niya intensyon na patayin ang nobya at aksidente lamang ang pagkakabaril niya dahil inakala niya itong magnanakaw.

Pansamantalang nakalaya ang Olympic champion at namuhay sa ilalim ng house arrest, ngunit natalo siya sa apela ng pamilya ng nobya kung saan naipakita ng prosecutor na may intention ang pamamaril ni Pistorious na nagpaputok ng apat na ulit.

Nitong Disyembre, binaligtad ng Supreme Court ang naunang desisyon at pinatawan ng kasong murder ang tinaguriang ‘Blade Runner’.