Tinanghal na kampeon sina second seed at International Master Paulo Bersamina at untitled Judith Pineda sa pagwawakas ng 2016 National Chess Championships nitong linggo sa PSC National Athletes Dining Hall ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila.

Hindi nabigo sa walong round ang 21-anyos incoming National University BSE-Mathematics sophomore na si Bersamina para sa 6.5 puntos mula sa limang panalo at tatlong draw upang makopo ang Open championship trophy at P7,000 cash prize.

Nakihati ng puntos si sixth seed National Master Hamed Nouri sa round seven bago tinabig sa eight and final round si 31st seed John Marvin Miciano para makatabla kay Bersamina, ngunit mas mababa ang kanyang puntos sa tiebreak kaya’t nalaglag siya sa ikalawang puwesto.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

“Masaya po. Inaalay ko ito sa pamilya ko, lalo na sa nanay ko (Rosalie),” sabi ni Bersamina, kababalik lang ng bansa noong Miyerkules mula sa paglahok sa 17th ASEAN+ Age Group Open Chess Championships sa Pattaya, Chonburi, Thailand kung saan nagwagi ito ng tatlong gold, dalawang silver at isang bronze medal.

Nagsalansan naman si Pineda, 21, tubong Olongapo City, ng 7.5 puntos para dominahin ang ladies class. (Angie Oredo)