TARLAC CITY – Isang padre de pamilya ang kinasuhan ng kanyang maybahay dahil sa pag-abandona sa kanya at sa apat nilang anak sa Tarlac City makaraang sumama ang una sa bago nitong kinakasama.

Kinilala ni PO2 Charon Cano ang nagpabayang ama na si Roy Benigno, Jr., 33, truck driver-mechanic, ng Barangay Pulo, San Isidro, Cabuyao, Laguna.

Sa isinumiteng reklamo ng 34-anyos na maybahay ni Benigno sa Women and Children Protection Desk ng Tarlac City Police, Pebrero 2015 nang nagtungo ang pamilya Benigno sa Biñan, Laguna para mangupahan doon.

Gayunman, nagkaroon ng ibang babae ang mister hanggang sa tuluyan na nitong abandonahin ang mag-iina upang sumama sa kanyang nobya.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dahil wala nang natatanggap na suportang pinansiyal mula sa suspek, nagpasya ang ginang na umuwi na lang sa Sitio Centro, Bgy. Aguso sa Tarlac City para bumalik sa kanyang mga magulang. (Leandro Alborote)