Itinuturing ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na malaking karangalan ang alok ni President-elect Rodrigo Duterte na posisyon sa gobyerno dahil ito ay magandang pagkakataon upang muli niyang mapagsilbihan ang mamamayan.

“Nasa puso ko talaga ang pagiging public servant if I’m called to duty in any way whatsoever. It’s an honor for me to serve in any capacity wherein the incoming President will feel that I can contribute, I will be happy to do that,” pahayag ni Marcos sa isang media forum sa Quezon City.

‘”Yan ang aking ginagawa. ‘Yan naman ang buhay naming mga Marcos ay magsilbi lamang,’’ aniya.

Matatandaan na sumabak si Bongbong sa pagka-bise presidente nitong May 9 elections subalit natalo ng mahigit 200,000 boto kay Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Aniya, nagtungo siya sa Davao City kamakailan upang pasalamatan si Duterte dahil sa pagpabor ng susunod na Pangulo na mailibing na sa Libingan ng mga Bayani ang kanyang yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos.

Simula nang manungkulan si dating Pangulong Corazon C. Aquino noong dekada ’80 hanggang sa manungkulan sa kasalukuyan ang kanyang anak na si Pangulong Benigno Aquino III, hindi pinayagan na mailibing ang nakatatandang Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil sa umano’y atraso nito sa sambayanan noong panahon ng Martial Law.

Samantala, sinabi ni Marcos na determinado siyang maghain ng protesta sa Hunyo 28 hinggil sa umano’y nangyaring dayaan sa halalan dahil mahigit tatlong milyong boto ang tinapyas mula sa kanya. - Mario B. Casayuran