BEIJING (AP)— Sugatan ang tatlong katao matapos pasabugan ang isang check-in area sa Pudong airport ng Shangahi kahapon, ayon sa Chinese authorities.

Naganap ang pagsabog sa ikalawang pinakamataong lugar na paliparan sa China dakong 2:20 ng hapon at lumalabas na ito ay sanhi ng homemade explosive, ayon sa management ng paliparan sa kanyang microblog account.

Sinabi rin nito na agad isinugod sa ospital ang tatlong biktima ngunit walang ibinigay na detalye sa kanilang kalagayan. Wala namang naantalang biyahe dahil sa nangyaring insidente, ayon sa management ng paliparan.

“At that moment, a beer bottle filled with white smoke rolled right by my feet. I was scared and made off at once,” ayon kay Ni, 30, na nagtatrabaho sa machinery manufacturer ng paliparan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina