Umabot sa 9,000 aplikante ang dumagsa sa 20 Independence Day job fair na inorganisa ng Department of Labor and Employment (DoLE) at magkakasabay na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa kahapon.

Hanggang 3:00 ng hapon, iniulat ng Bureau of Local Employment (BLE) na umabot sa 9,018 aplikante ang dumagsa sa 20 job fair na idinaos sa 15 rehiyon sa bansa.

"The biggest we have in terms of participating employers would be in Region 3, which has around 150 to 170 employers followed by Region 11 with a little less than 100, and NCR (National Capital Region) with around 81," pahayag ni BLE Director Dominique Tutay sa panayam.

Mayroon pang apat na job fair na ikakasa sa susunod na linggo, ayon kay Tutay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mula sa kabuuang bilang, 485 sa mga ito ay hired-on-the-spot, habang ang 812 ay near-hire o kailangan munang kumpletuhin ang requirement bago sila opisyal na makuha ng mga employer.

Tatlumpu’t limang aplikante ay inendorso sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang sumailalim sa skills training, habang ang 35 iba pa ay pinagkalooban ng livelihood assistance. - Samuel P. Medenilla