Marian copy

MAY kumalat na picture nina Marian Rivera at Maine Mendoza sa social media, nalaman tuloy na guest o may cameo si Marian sa movie nina Alden Richards at Maine na Imagine You and Me. 

May nakakita rin kay Marian na nagsu-shooting daw, kasama si Maine, kaya tuwang-tuwa ang Aldub fans at fans ni Maine (‘yung mga hindi basher ni Marian) na kasama ang Primetime Queen ng GMA-7 sa Aldub movie.

Isa pang kasama raw sa Aldub movie ay si Ken Chan. May nakakita rin daw kay Ken na nagsu-shooting ng pelikula sa San Agustin Church at kahit hindi binanggit ni Ken kung ano ang sinu-shooting niya, nauna ang fans sa pagsasabing kasama siya sa cast ng Aldub movie.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dahil pala sa lumabas na picture nina Marian at Maine at sa balitang may cameo si Marian sa movie, may mga nagre-request sa Kapuso Network na pagsamahin ang dalawa sa sitcom o teleserye.

Para mas malaki ang project, isama rin daw sina Dingdong Dantes at Alden.