Russell Westbrook

OKLAHOMA CITY (AP) – Tuluyang nabawasan ng tikas ang US Olympic basketball team na sasabak sa Rio Games sa pag-atras nina Oklahoma City playmaker Russell Westbrook at Houston guard James Harden.

Walang ibinigay na rason si Westbrook sa kanyang pag-atras na mapili sa US Team, maliban na lamang sa naganap na masinsinang pakikipag-usap sa kanyang pamilya.

“This was not an easy decision, as representing my country at the World Championships in 2010 and the Olympics in 2012 were career highlights for me,” pahayag ni Westbrook.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“I look forward to future opportunities as a member of USA Basketball,” aniya.

Hindi rin nagbigay ng personal na dahilan si Harden sa kanyang desisyon na palampasin ang pagkakaton na makalaro sa Olympics, ngunit nagpalabas ng pahayag ang Houston management hinggil dito.

“Playing with the National team in the past is the most meaningful personal and professional accomplishments of my life,” sambit ni Harden sa pahayag ng prangkisa.

Miyembro siya ng US Team na nagwagi sa 2012 London Olympics at 2014 Basketball World Cup.

Ang pahayag ng dalawa ay naganap ilang araw matapos umatras ni back-to-back MVP Stephen Curry bunsod umano nang hangaring palakasin ang pangangatawan mula sa magkakasunod na tinamong injury sa kaagahan ng NBA playoff.

Sa pagkawala nina Chris Paul at John Wall ang tanging pagpipilian na lamang sa point guard position ng defending champion ay sina Cleveland’s Kyrie Irving, Portland’s Damian Lillard at Memphis’ Mike Conley.