Ikinatuwa ng Senior Citizen mula sa pitong malalaking lungsod sa bansa ang pagpapahalagang ibinigay ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pagsagawa ng simultaneous Walk-A-Mile with Senior Citizens kahapon sa anim na piling lungsod sa bansa.

Ginanap ang programa na magkakasabay sa Manila, Cebu, Davao, Silay, Vigan, Iloilo at Naga.

“In behalf of the senior citizens, we thank the PSC for extending hands in giving health and sports program to our senior citizens. We hope that more sports activities will be hold soon for them,” sambit ni Hermie Salonga, officer-in-charge ng OSCA.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagpasalamat naman si PSC Chairman Richie Garcia sa mga nakibahagi sa programa na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang sa Araw ng Kalayaan. (Angie Oredo)