GERONA, Tarlac - Aabot sa P24,000 ang halaga ng dalawang sasabunging manok na tinangay ng dalawang lalaking nanloob sa Game Farm sa Sitio Vega, Barangay Magaspac sa Gerona, Tarlac.

Sa ulat ni PO2 Christian Rirao, dalawang matitikas na panabong ang tinangay nina Arnold Calzada, 50; at isang 17-anyos, kapwa taga-Bgy. Matatalaib, Tarlac City, na nakapiit na ngayon.

Napag-alaman na pinasok ng mga suspek ang farm ni Ronald Go, 45, may asawa, ng Bgy. Caturay, Gerona.

Sinabi sa pulisya ni Melinda Domingo, 41, katiwala sa farm, na kasunod ng pagtahol ng mga aso ay nakita umano niya ang mga suspek tangay ang mga panabong. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?