Isasama na sa aralin sa mga paaralan ang kultura at kasaysayan ng Filipino-Muslim at mga katutubo (Indigenous Peoples) matapos itong pumasa sa dalawang kapulunan ng Kongreso bago ang sine die adjournment noong Lunes.

In-adopt ng Kamara noong Mayo 23 ang Senate Bill 3205 (“Integrated History Act of 2016”) bilang susog sa House Bill 4832 (“Moro History, Culture and Identity Studies Act”). Ang inaprubahang panukala ay ipadadala kay Pangulong Aquino III para pirmahan upang maging isang ganap na batas.

Layunin ng panukalang batas na isama ang kasaysayan, kultura at pagkakakilanlan ng Filipino-Muslim at Indigenous Peoples sa pag-aaral ng Philippine history sa basic at higher education. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer