Ginahasa ng isang hinihinalang miyembro ng “Akyat Bahay” gang ang isang 51-anyos na baby sitter matapos limasin ang mahahalagang gamit sa bahay ng kanyang amo sa Quezon City, nitong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ng Quezon City Police District (QCPD)-Police Station 5 (Fairview) na nangyari ang insidente sa bahay ni Dexter Hortaleza, business analyst, sa Maligaya Park Subdivision sa Barangay Pasong Putik, Quezon City, dakong 3:00 ng umaga nitong Miyerkules.

Sa imbestigasyon, inilarawan ng rape victim, na hindi pinangalanan ng pulisya, ang suspek na 30 taong gulang, may taas na 5’2”, maliit ang katawan at maputi.

Sinabi rin ng biktima na nakasuot ang suspek ng bonnet, itim na sweatshirt at short pants nang pasukin ang bahay ni Hortaleza.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Natutulog ang baby sitter kasama ang kanyang anak sa sala nang magising ito habang nililimas ng suspek ang mga gamit sa bahay.

Habang nakatutok ang patalim sa leeg ng biktima, sinabi ng suspek: “Huwag kang maingay, papatayin kita.”

Kinaladkad ng kawatan ang biktima sa ikalawang palapag ng bahay, binalutan ang bibig ng packaging tape, itinali ang mga kamay bago hinalay.

Sa kanyang pagtakas, tinangay ng suspek ang iba’t ibang TV set, electronic gadget at mga sapatos.

(Francis T. Wakefield)