Minsan nang inakala na ang fallopian tube at obaryo ng babae ay hindi dinadapuan ng bacteria, ngunit napag-alaman sa bagong pag-aaral na ang mga microorganisms na ito ay nakararating rin sa reproductive tract.

Bukod diyan, ang mga babaeng may ovarian cancer ay may ibang kaso, mas delikadong bacteria ang dumapo sa kanilang fallopian tube at obaryo, ngunit kinakailangan pa ng karagdagang impormasyon para makumpirma ito, ayon sa mga researcher.

Sa nasabing pag-aaral, pinag-aralan ng mga researcher ang mga tissue sample mula sa 25 babae na menopause na at nakatakdang sumailalim sa operasyon upang tanggalin ang kanilang uterus, fallopian tube, at obaryo. Ang ibang pasyente ay may ovarian cancer, at ang iba naman ay wala.

“We found that the upper reproductive tract is not sterile, and that bacteria do actually exist there,” ayon sa study co-author na si Temitope Keku, medicine professor sa University of North Carolina sa Chapel Hill.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Napag-alaman din sa pag-aaral na magkaibang bacteria ang dumadapo sa mga may ovarian cancer at sa mga walang cancer ayon sa mga researcher. May posibilidad umano na nagbabago o tumitindi ang bacteria kapag nagkakaroon ng cancer.

Ang pag-aaaral na ito ay ipinakita sa American Society of Clinical Oncology’s (ASCO) annual meeting sa Chicago nitong Hunyo 6. Ngunit hindi pa ito nailalathala sa kahit anong scientific journal. (LiveScience.com)