BINALONAN, Pangasinan - Muntik nang mamatay ang isang ginang matapos siyang kuryentehin ng kapitbahay na madalas niyang makaalitan sa Barangay Sta. Catalina sa bayang ito.

Kahapon ay pormal nang kinasuhan ng frustrated murder ni Leoneda Tambo, 55, si Victoria Bernal, 53, kapwa residente sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigador ng Binalonan Police, dakong 4:30 ng umaga nitong Lunes at mahimbing na natutulog si Tambo sa ikalawang palapag ng kanyang bahay nang akyatin siya ng suspek, pinatungan ng kable sa mukha, bago isinaksak ito sa kuryente.

Agad na nangisay si Tambo, nagising at bumangon kaya nakita pa umano niyang papatakas si Bernal.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang matagal nang alitan ng dalawa ang tinitingnang motibo sa krimen. (Liezle Basa Iñigo)