Ken Chan

MANANATILING Kapuso si Ken Chan sa kanyang pagpirma nitong nakaraang Lunes ng panibagong two-year exclusive contract sa GMA Network.

Present sa contract-signing sina GMA Entertainment TV’s Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable; GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara; GMA Assistant Vice President for Drama Productions Cheryl Ching-Sy; GMA Artist Center Assistant Vice President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer, at GMA Artist Center Talent Manager Tracy Garcia.

Huling napanood sa kanyang mahusay na pagganap bilang transwoman sa top-rating Afternoon Prime series na Destiny Rose si Ken, na hindi itinago ang kanyang kasiyahan sa renewal ng kanyang contract sa GMA.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“I feel so blessed and thankful na binigyan na naman ako ng chance and opportunity ng GMA Network na ma-showcase ko ‘yung gusto kong ipakita especially sa pag-arte ko. And s’yempre masaya rin ako na dahil sa Destiny Rose kaya nagtuluy-tuloy ‘yung blessings na natatanggap ko ngayon,” sabi ng Kapuso actor.

“Nagagalak kami kasi dito naman talaga nag-umpisa si Ken sa GMA,” pahayag naman ni Ms. Rasonable. “’Tapos nakita natin siyang lumago at mag-improve as an actor. Maganda lang na maipagpatuloy lang din natin ang pagho-hone pa ng kanyang dramatic skills.”

Isinagdag ng GMA exec na maingat na pinaplano ng network ang susunod na proyekto para sa young actor pagkatapos ng remarkable success ng Destiny Rose.

“Mahirap talagang tapatan ‘yung kanyang role sa Destiny Rose kasi napaka-challenging sa isang actor as young as him who is just beginning to discover the range of his acting. At the same time, magandang challenge rin yun for our writers, sa aming producers na bigyan pa siya ng mga roles na kakayanin pa niya in the future since napaka-wide ng acting range niya, napakasensitive actor so dapat lang ‘yung susunod na role ay challenging din para sa kanya. So we are carefully planning it.”