Diego at Sofia copy

LAST May 27 namin sinulat na nakita naming magkasamang nanood ng last full show sa Eastwood City Mall cinema sina Diego Loyzaga at Sofia Andres, heto at nag-post ang young actress na sobrang nami-miss na niya ang young actor.

Pero pagkalipas pala ng dalawang araw simula noon, muling nakita ng aming kaibigan ang dalawa sa isang mall, kumakain naman sa isang restaurant kasama ang ilang kaibigan.

Nasanay na yata si Sofia na laging kasama o nasa tabi niya si Diego na kukumpirmahin na naming boyfriend niya maski hindi nila aminin dahil halatang-halata naman sa kilos nila, ‘no!

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Nasa Australia ngayon si Diego at nitong Biyernes ay nag-post si Sofia ng litrato nila na kunwari’y may ibinulong ang una at natawa naman nang husto ang batang aktres.

“I’m still wearing the smile you gave me, miss you already cray! #aussieboy”

Technically, mahigit isang linggo pa lang ang nakalilipas simula nu’ng makita namin sila at ngayon ay sasabihing nami-miss na ng dalagita ang binatilyo?

Kaya mas lalo kaming naniniwalang ‘sila na’ dahil hindi mo naman sasabihin ‘yan sa kaibigan lang.

Anyway, wala bang ginagawang project sina Diego at Sofia kaya parati silang nasa layasan?

Sabi naman kasi sa amin ng taga-Dos, may movie project sila sa Star Cinema kasama sina Julia Barreto at Iñigo Pascual at hindi pa tapos ang shooting.

Marahil ay inip na inip na si Sofia na mag-isa lang kaya panay ang update niya sa kanyang social media account ng mga bagay na ginagawa niya, pati tuloy ang sole ng rubber shoes na iniendorso ay kinunan din.

Noong Sabado ng hatinggabi ay nag-post ang young actress ng, “Give people time. Give people space. Don’t beg anyone to stay. Let them roam. What’s meant for you will always be yours.”

Para kay Diego ba ito? (Reggee Bonoan)