Jennylyn copy

TALENT fee kaya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakasundo ang GMA-7 at ang kampo ni Jennylyn Mercado?

Nakatakdang mag-renew ng kontrata sa KapusoNetwork si Jen pero wala pang nabubuo sa negosasyon.

Sa pagkakaalam ng lahat ay middle of May pa nagtapos ang kontrata ni Jen sa kanyang home network. Kaya marami ang nagtatanong kung mananatiling kapuso ang aktres o tuluyan nang magiging kapamilya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero ang paliwanag ng mabait na manager ni Jen na si Ms. Becky Aguila, GMA-7 pa rin ang kanilang first priority. Sa madaling sabi, sa GMA-7 muna sila nakikipag-usap.

So, stand by muna ang ABS CBN? 

Sa isyung nagpapadagdag ng talent fee ang aktres, marami ang nagsasabing dapat lang naman dahil deserving ang aktres kumpara sa ibang alaga ng Siyete. Sa star value at box office records pa lang, higit na mas may karapatan naman si Jennylyn.

Pero may nakapagbulong naman sa amin na may kasunod na gagawing project si Jen sa Kapamilya network. Ito na kaya ang magiging hudyat ng tuluyan nang pag-alis ng aktres ang Siyete?

Abangan natin ang mga susunod na mangyayari. (JIMI ESCALA)