TARLAC CITY – Isang pasahero ng Toyota Innova ang namatay at anim na iba pa ang nasugatan matapos na salpukin ang sasakyan ng pampasaherong Dagupan Bus sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) sa Barangay San Pascual, Tarlac City.

Kinilala ni PO1 Nino Basit ang nasawi na si Amparo Torno, nasa hustong gulang, ng Sumilang Castle, Llanera, Nueva Ecija.

Grabe namang nasugatan sina Melchozar Dela Cruz, 31, driver ng Innova, (YU-4520), ng Licab, Nueva Ecija; Boy Torno, 65; Karleen Kaye Ramos, Venisse Torno, 32; Daniel Banangan; at Chelsea Torno, kapwa nasa hustong gulang, ng nasabing lugar.

Ang bus (AAI-1900) na nakabangga sa Innova ay minamaneho ni Rodrigo Dela Cruz, 51, ng Alamasi Street, Pasig City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Leandro Alborote)