Mga laro ngayon

(Rizal Memorial Baseball Field)

7 n.u. -- BULSU vs ADMU B

9 n.u. -- UP vs UST

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Pag-aagawan ng University of the Philippines Fighting Maroons at University of Santo Tomas Growling Tigers ang natitirang silya sa quarterfinals ng 2016 PSC Commissioners Baseball Cup sa Rizal Memorial Baseball Field.

Magsasagupa sa no-bearing match ang Bulacan State University (BulSU) at ang Ateneo De Manila-B bago sundan ng importanteng sagupaan sa pagitan ng Fighting Maroons at Tigers anap na 9:00 ng umaga para sa ikalawang silya sa Pool C.

Binigo ng Ateneo De Manila-B ang University of Santo Tomas – Golden Sox sa huling laro noong Linggo, 16-5, para okupahan ang unang puwesto sa quarterfinals sa Pool D tangan ang 3-1 marka.

Inokupahan ng Season 78th UAAP champion De La Salle University ang ikalawang puwesto sa mas mataas na quotient matapos makatabla sa Ateneo. Tinalo ng DLSU ang RTU, 9-6, habang tinalo ng RTU ang Ateneo B, 8-7.

Kapwa naman may bitbit na 2-1 karta ang UP at UST. Tanging nakalasap ng kabiguan ang UP sa dating kampeon na IPPC, 5-11, habang tinalo ang Big Daddy’s, 19-8, at ang LS Antipolo Alumni, 9-0.

Nabigo rin ang UST sa IPPC, 8-0, bago tinalo ang Big Daddy’s, 24-2, at LS Antipolo Alumni, 9-0.

Makakaharap naman ng nagtatanggol na kampeong Philippine Air Force (PAF), na nanguna sa Pool A sa do-or-die cross-over quarterfinal, ang magwawagi sa salpukan ng University of the Philippines (UP) at University of Santo Tomas (UST) mula sa Pool C. (Angie Oredo)