Yeng, Toni, Juris, Erik at Jed copy

SAMAHAN sina Yeng Constantino, Erik Santos, Juris, Jed Madela, at Toni Gonzaga sa grand launch ng One Music PH, ang pinakabagong music hub ng ABS-CBN, ngayong tanghali.

Balikan ang disco fever na muling bubuhayin ng Birit Queens na sina Morissette Amon, Klarisse de Guzman, Jona Viray, at Angeline Quinto.

Yayanigin naman nina Sarah Geronimo at UPEEPZ ang dance floor, kasama ang pinakabagong dance royalties na sina Joshua Garcia, Loisa Andalio, Jerome Ponce, at Janella Salvador.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May dalang kilig naman sina Kyla, Jay-R, Daryl Ong, Jason Dy, at KZ Tandingan sa muling pagbabalik ng ASAP Soul Sessions.

Magpapasabog din sa kantahan si Gloc-9 sa launch ng kanyang pinakabagong album kasama si Zsa Zsa Padilla.

Ramdam na ramdam ang Tatlong Bibe Fever sa “One Lucky Day” kasama ang viral singing group na Acapellago at ang inyong favourite kapamilyas.

Hindi naman magpapahuli sina Martin Nievera at Jolina Magdangal sa kanilang mga kantang puno ng pag-ibig sa “ASAP LSS” at singing heartthrobs na sina Iñigo Pascual at Markus Paterson.

Samantala, mas kiligin kasama ang favorite teen stars na sina Ylona Garcia, Bugoy Cariño, Brenna Penaflor, Grae Fernandez, Andrea Brillantes at ang hottest love teams ngayon para sa isang must see all-star wedding spectular.