NEW YORK (AP) — Mula sa Phoenix Sun, ang bench ng New York Knicks ang babalasahin ni Jeff Hornacek.

Personal na pinili ni Phil Jackson, New York Knicks president, si Hornacek para gabayan ang koponan na salat sa tagumpay, sa kabila ng presensiya ni NBA star Carmelo Anthony.

Sasandigan ni Hornacek ang Knicks — tumapos na may 32-50 marka sa nakalipas na season— para sa ikatlong sunod na taon na kabiguang makausad sa playoff. Pinangasiwaan ni Kurt Rambis, bilang interim coach, ang Knicks matapos patalsikin si Derek Fisher nitong Pebrero.

“Jeff has a tremendous basketball acumen and possesses strong leadership skills,” pahayag ni Jackson nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

“During his career as both a player and coach, he has demonstrated the ability to elevate the game.”

Pinasalamatan naman ni Hornacek si Jackson sa tiwalang ibinigay sa kanya.

“He (Jackson) is a coach and teacher of the game I have admired for many years,” aniya.