Agaw-buhay ang isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) makaraang patraydor na pagsasaksakin ng isang istambay sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Ginagamot ngayon sa Tondo Medical Center si JO2 Esberto Salongcay Jr., 46, may asawa, jail guard, nakatalaga sa Navotas City Jail, at residente ng Maya-Maya Street, Dagat-Dagatan, Longos, Malabon City.

Nagtamo si Salongcay ng mga saksak sa likod matapos siyang atakehin ng suspek na nakilala lamang sa alyas na Ruel Tinio, ng Sabalo Street, Barangay 12, Caloocan City.

Ayon kay PO2 Gian Clifford Malonzo, dakong 8:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Sabalo Street.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Pasakay umano sa kanyang motorsiklo si Salongcay nang paulit-ulit siyang undayan ng saksak ng suspek.

Sa pag-aakalang patay na ang target, tumakas si Tinio habang agad namang pinagtulungang madala sa pagamutan ng mga nasa lugar ang biktima.

Inaalam na ang motibo sa pananaksak sa jail guard. (Orly L. Barcala)