“KAPAG wala ang pusa, naglalaro ang mga daga.” Isang matandang kasabihang madalas na iniaangkop sa nagaganap na mga krimen sa dahilang palaging walang pulis sa mga lansangan. Ang sabi naman ng iba may mga pulis sa lugar, kaya lang malayo ang tingin sa pinangyayarihan ng krimen. Nakakalungkot man pero ito’y isang masakit na katotohanan.

Kaya mahirap sisihin ang ating mga kababayan na maging ganito ang pananaw sa ating mga alagad ng batas.

Pero huwag kayong mawalan agad ng pag-asa sa mga pulis. May mga pagbabagong unti-unti namang ipinatutupad ang mga awtoridad. Gaya sa napansin kong kakaiba rito sa isang commercial district sa Cubao, Quezon City.

Nilibot namin ng mga kasama kong beteranong reporter (READ: matatanda) ang buong Araneta Center sa Cubao. Halos gabi-gabi kaming tambay dito; kumakain, nagkakape, o di kaya’y umiinom ng beer. Nagpapalipas ng oras at ng trapik, bago umuwi.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kapansin-pansin sa lugar ang kaliwa’t kanang unipormadong pulis. Pahintu-hinto sa pagpapatrulya, nakikipag-tsikahan sa mga taong bumabati at nakikipag-usap sa kanila. Sa ilang pili pero mataong lugar naman, may nakatalagang mga pulis sa mga maliliit na lamesa.

Friendly ang dating ng mga pulis na ito. Minsan, may lumapit at bumati sa akin habang naghahapunan ako sa tabing bangketa. Astang kilala ako ng Junior Officer na ito ng PNP pero ‘di ako nagpahalata na ‘di ko siya matandaan. Nang makaalis na siya, bigla kong naalala na dati itong tauhan ng kaibigan kong heneral.

Nag-usisa ako sa ilang negosyante, vendor, mamimili sa Cubao at mga pasaherong dito nag-aabang ng masasakyan papasok sa trabaho at pauwi sa kanilang mga tahanan, kung ano ang epekto nito sa kanila.

Iisa ang kanilang tugon – nabawasan ang nakawan, snatching, at iba pang krimen sa lugar.

Ayon sa quarterly crime statistics na isimunite ng NCRPO sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, bumaba ang halos lahat ng uri ng kriminalidad sa mga lugar na ito sa Cubao, Quezon City. Resulta ito ng pagiging highly visible ng mga pulis. Kaya naman pakiusap natin kay QCPD chief CSupt Edgardo G. Tinio, sana’y magtuluy-tuloy ang proyektong ito ng QCPD Station-7 para hindi masabing “ningas-kugon” lang ang mga pulis.

Dapat mabigyang-pansin din ang problema sa trapiko. Mahirap itong lutasin dahil maraming drayber at pasaherong pasaway, pero makakaya ito kapag nagtulungan ang mga pulis at Metropolitan Manila Development Authority(MMDA).

Para sa inyong mga sumbong, reklamo, report, balita, papuri o puna, mga kuhang video at litrato ng mga di-inaasahang mga pangyayari, i-text lamang ang mga ito sa: Globe 09369953459 / Smart: 09195586950 / Sun: 09330465012 o kaya’y mag-email sa: [email protected] (Daniel M. Veridiano, E.E.)