LAUSANNE, Switzerland (AP) — Napagkasunduan ng International Olympic Committee (IOC) na palakasin ang programa sa doping sa Rio Games at nirekomenda ang pagsama sa limang sports, kabilang ang baseball at softball sa 2020 Tokyo Games.

Kinatigan ng IOC executive board ang pagdoble sa budget para sa pre-games drug testing sa US$500,000 para maipagpatuloy ang re-testing ng mga doping samples ng mga atleta na sumabak sa huling dalawang Olympics.

“We want to make sure any targeted athletes who have a positive result will be stopped from competing in Rio,” pahayag ni IOC spokesman Mark Adams.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“That is for us the No. 1 priority.”

Bukod sa baseball at softball, pabor din ang IOC na isama ang surfing, karate, sport climbing, at skateboarding sa Tokyo Games. Batay sa bagong IOC rules, may karapatan ang local organizer na magdagdag ng isang sports para sa kanilang hosting.

Pormal na makakasama ang naturang mga sports sa gaganaping halalan sa IOC meeting sa opening day ng Rio Games sa Agosto.

“We have successfully passed the first gate,” sambit ni Tokyo chief organizer Yoshiro Mori.