Binawian ng University of Santo Tomas ang last year tormentor National University,28-26, 25-23, 25-19, upang makamit ang titulo ng NCR leg ng 14th Shakey’s Girl’s Volleyball League kamakailan sa St. Marie Eugenie Sports Complex sa Antipolo City.

Sa pangunguna nina Ejiya Laure at Imee Hernandez, nagawang malusutan ng Junior Tigresses ang matinding hamon ng Junior Lady Bulldogs sa first set, gayundin ang pagtatangkang makabalik sa huling dalawang set para maangkin ang kampeonato sa torneo na itinataguyod ng Shakey’s at inorganisa ng Metro Sports ni Freddie Infante.

Nauna rito, ginapi ng Pool B lider UST ang nanguna sa Pool C na Kings Montessori, 25-21, 25-18 sa semifinals.

Dahil sa panalo, humanay ang UST sa Southern Luzon champion La Salle Lipa na nauna nang nakapasok sa national finals ng torneo na suportado rin ng Mikasa at Asics.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tinanghal na MVP ng NCR leg si Laure bukod pa sa pagiging Best Opposite Attacker habang Best first middle blocker naman si Hernandez.

Ang iba pang awardees ay sina Nicole Magsarile ng NU (second best middle blocker) at kakampi nitong si Faith Nisperos(first best outside attacker), Elka de la Torre ng Kings Montessori (second best outside attacker) at mga kakampi nitong sina Louie Romero (best setter) at Mariel Linsang (best libero).

Inangkin ng Kings Montessori ang ikatlong puwesto matapos ang 25-11, 25-11, panalo kontra University of the East.

(Marivic Awitan)