MOGADISHU (Reuters) – Nasupil ng Somali security forces ang bomb at gun attack ng mga militante sa isang hotel sa central Mogadishu at 16 na katao ang namatay habang 55 ang nasugatan, sinabi ng mga awtoridad nitong Huwebes.

Inako ng Islamist militant group na al Shabaab, ang kasangga ng al Qaeda, ang pag-atake noong Miyerkules sa Hotel Ambassador.

Dalawang mambabatas ang kabilang sa mga namatay sa pag-atake na nagtapos sa pagbaril at pagpatay ng mga pulis sa mga umatake.

“So far we have confirmed 16 people, mostly civilians, died and 55 others were injured,” sabi ni Major Nur Mohamed, isang opisyal ng pulisya, sa Reuters kahapon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina