Sasabak ang Philippine team sa FIBA 3x3 Under-18 World Championship simula sa Hunyo 1 sa Astana, Kazakhstan.

Binubuo ang five-man RP squad nina National University prized recruit Joshua Sinclair, John Lloyd Clemente, Kyle Christian Tan, at Theo Joshua Flores.

Pangangasiwaan ang koponan ni coach Mark David Solano, tatayo ring kinatawan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Tumulak patungong Astana ang koponan kahapon matapos ang huling ensayo sa Meralco gym nitong Lunes ng gabi, sa pangangasiwa ni NU coach Eric Altamirano.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

May kabuuang 20 koponan ang sasabak sa torneo. Pinangunahan ni Kobe Paras ang koponan sa nakalipas na taon.

Miyembro si Sinclair, pambato ng Sacred Heart-Ateneo de Cebu, sa Manila South team na sumabak sa FIBA 3x3 World Tour Manila at bahagi ng Batang Gilas squad na nagwagi sa Seaba U-18 championship sa Medan, Indonesia.

Kasama rin si Flores sa Batang Gilas team, habang si Clemente ay miyembro ng NU Bullpups na nagkampeon sa katatapos na UAAP juniors. Naglaro naman si Tan ng UNO high school.