KAHIT hindi na kumikita ang mga ginagawang pelikula ay may indie producers pa ring more than willing na ipagprodyus ng pelikula ang premyadong aktres. 

Halos lahat yata ng mga pinagbidahang movie ni Aktres nitong mga nakaraang taon ay pawang nilangaw sa takilya.

Lately ay nagtamad-tamaran na naman si Aktres. Kahit ilang beses na siyang pinakiusapan at ibinigay ang mga hinihiling niya, hindi niya sinipot ang shooting ng isang pelikulang natanguhan niya. 

Kuwento ng aming source, na isa sa dating malapit sa naturang aktres, nagbanta na nga raw ang producer na maghahain ng demanda pero dedma pa rin si Aktres.

Pelikula

Sassa Gurl, proud na ibinalandra pagiging ‘mukhang pera’ sa premier night ng Balota

“Meron siyang obligasyon sa producer niya, halos fully paid na siya pero ayaw pa rin niyang mag-shooting. Hindi na namin alam kung ano ang problema niya. Ibinigay naman sa kanya ang mga hiling niya,” sey ng kausap namin. 

Pero hindi pa rin naman daw sumuko ang producer. May mga tao itong pinakiusapan para mamagitan at kausapin ang aktres. 

As of press time, tamad-tamaran pa rin ang drama ng aktres.

Samantala, nalaman namin from the same source na panay pala ang tawag ni Aktres sa isang kilalang TV host pero dinedma na ito ng huli.

“Naku, nagsawa na sa kanya ‘yun. Ilang beses na kasi siyang tinulungan, eh, wala pa rin siyang pagbabago,” sey pa ng kausap namin. (JIMI ESCALA)