Masamang balita sa mga pasahero ng Light Rail Transit (LRT) Line 1.

Magpapatupad ng 10 porsiyentong dagdag-singil sa pasahe sa LRT Line 1 simula sa Agosto, ayon sa pribadong operator na Light Rail Manila Corporation (LRMC), na binubuo ng Metro Pacific Corporation at Ayala Corporations.

Ito ay sakaling pagbigyan ng Duterte administration ang hirit ng LRMC na magtaas ng pasahe sa LRT Line 1 na kumukonekta sa 17 terminal, mula sa Baclaran hanggang sa Roosevelt.

Layunin umano ng pagtataas ng singil sa pasahe na mabawi ng LRMC ang mga nagastos ng kumpanya sa pagpapaganda sa serbisyo ng nasabing mass railway system.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaang nakuha ng LRMC ang kontrata sa LRT Line 1 sa ilalim ng private-public partnership (PPP) na nagkakahalaga ng P15 bilyon.

Sa naturang kasunduan, pinapayagan ang nasabing pribadong kumpanya na magtaas ng singil sa pasahe kada dalawang taon.

Noong 2014 pa dapat ipinatupad ang fare hike sa LRT Line 1, subalit hindi ito natuloy matapos umani ng batikos mula sa libu-libong pasahero. (Bella Gamotea)