SIMULA 1991, naging bahagi na ng bawat tahanang Pilipino ang Maalaala Mo Kaya. Bawat episode nito ay nagdala ng tuwa at luha na nagpatibay sa samahan ng programa at ng mga Kapamilya saan man sa mundo.
Linggu-linggo, naghatid ang MMK ng pag-asa, inspirasyon, at aral. Sa bawat sulat na binabasa ng host nitong si Charo Santos, isinasalaysay ang iba’t ibang pagsubok at karanasan ng mga Kapamilya, kaya talagang tumatak na ang programa sa kultura at buhay ng mga Pilipino.
Ngayong 2016, sa pagdiriwang ng MMK ng silver anniversary, isang buong taong selebrasyon ang handog ng longest-running drama anthology sa Asya bilang pasasalamat sa walang sawang pagsuporta at patuloy na pagtitiwala sa pagbabahagi nito ng kuwento.
Inumpisahan ang selebrasyon sa ASAP nitong nakaraang Linggo, sa muling pagtitipun-tipon ng iba’t ibang letter senders na nagbahagi ng kanilang kuwento sa programa, kasama ang mga artista na nagbigay-buhay sa kanilang mga kuwento, kabilang na sina Dawn Zulueta, Gina Pareño, Bea Alonzo, Kathryn Bernardo, at Nora Aunor.
Itinampok din sa ASAP special ang ilan sa mga kantang naging malapit sa puso ng mga Pilipino na makakasama sa isang espesyal na commemorative album na malapit nang mapakinggan at mabili.
Samantala, maaari namang balikan ang makulay na kasaysayan ng MMK sa website nitong mmk.abs-cbn.com na nagbabalik-tanaw sa mga kuwento, aral, at personalidad na bumida sa programa. Sa pamamagitan ng timeline na “MMK Through the Years” at section na “MMK 25 Memories,” maaaring sariwain ang episodes na pinakatumatak sa puso at isipan ng mga manonood. Mas mapapadali na rin ang pakikipag-uganayn sa MMK dahil sa “iKwento,” na maaaring magpadala ng liham kasaysayan sa pamamagitan ng liham o video para sa pagkakataong isabuhay ang kuwento sa mismong programa.
Maaari ring i-share sa personal social media accounts ang “Life Lines,” artcards o video clips na tampok ang mga hindi malilimutang linya ng mga karakter mula sa iba’t ibang episodes nito. Makukuha ang mga ito sa @MMKOfficial sa Twitter at Instagram o www.faceboook.com/MMKOfficial.
Para naman iparating ang taos-pusong pasasalamat nito sa letter senders, pagsasama-samahin sila ng MMK sa isang espesyal na reunion na “MMK Kamustahan,” kung saan makakasama at makakasalamuha nila si Charo. Magsisimula ito sa Davao sa Hulyo 9 at magkakaroon ng isa pang leg sa Luzon sa Agosto.
Hindi lang mga tagasuporta sa bansa ang kapiling ng MMK sa pagdiriwang dahil dahil bahagi rin ng 25th anniversary celebration ang “Kuwentuhang Kapamilya” na gaganapin naman sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Dito, magbabahagi ng inspirational talks si Charo at bibigyang pagkakataon ang overseas Filipinos na ibahagi ang kanilang mga karanasan sa paninirahan at paghahanap-buhay sa ibang bansa.
Aarangkada ito sa Madrid, Spain sa Hunyo 26, na susundan naman sa Hong Kong sa Hulyo 24. Byaheng North Amerika naman ito sa New Jersey, USA sa Setyembre 9, sa Alberta, Canada sa Setyembre 11, at sa Tokyo, Japan naman sa Oktubre 16.
Samahan ang MMK sa paggawa ng mas maganda pang mga alaala sa ika-25 anibersaryo nito at bisitahin ang mmk.abs-cbn.com. Maaari na ring mabili ang exclusive anniversary merchandise sa ABS-CBN Store (www.abs-cbnstore.com). Para sa iba pang updates tungkol sa programa, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter at Instagram o i-“like” ang www.faceboook.com/MMKOfficial.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. (MERCY LEJARDE)