SYDNEY (Reuters) – Napinsala ng malawakang coral bleaching ang nasa 35 porsiyento ng hilaga at gitnang bahagi ng Great Barrier Reef, sinabi kahapon ng mga siyentistang Australian, isang malaking dagok sa World Heritage Site na kumikita ng A$5 billion ($3.59B) sa turismo kada taon.
Sinabi ng mga Australian scientist na posibleng dumami pa ang namatay na bahura dahil ang ilan sa natitirang 65% ng coral reef sa hilaga at gitnang bahura ay bigong makabawi sa bleaching o pamumuti—indikasyon ng pagkamatay nito.