NILINAW ni Michael Jace na wala siyang balak patayin ang asawa, si April Jace, noong Mayo 2014. Sinabi agad ng aktor, gumaganap bilang police officer sa The Shield, sa mga detective na nais lamang niyang sugatan ito.
Ang pinakabagong imbestigasyon ay isiniwalat sa isang transcript, na inilabas sa kasagsagan ng murder trial sa Los Angeles noong Huwbes, Mayo 26.
“I was just angry. All I intended to do was shoot her in the leg. And then I shot her in the leg and that was it,” paliwanag ni Jace, 53, sa mga detective noong 2014, via CBS. “I just ruined lives. Four lives. I mean, you could put the needle in my arm right now and be done. I’m fine with that.”
Gaya ng mga naunang ulat, tumawag sa 911 si Jace nang barilin niya ang kanyang asawa sa hallway ng kanilang bahay sa Los Angeles. Ang dalawa nilang anak, 8 at 5 taong gulang pa lamang noong panahong iyon, ay nasa bahay. (Tatlong beses pinaputukan ni Jace si April.) Sa korte nitong Huwebes, ipinahayag ng anak nilang 10 taong gulang na ngayon na sinabi ng kanyang ama na, “If you like running, then run to heaven,” bago pinatay si April.
Base sa transcript, inakusahan ni Jace ang kanyang misis na ito ang unang sumugod sa kanya at ginantihan lamang niya. Ayon sa kanyang abogado na si Jamon Hicks, naniniwala si Jace na may kalaguyo ang kanyang misis.
Si Jace, na maaaring makulong ng 50 kapag napatunayang nagkasala, ay marami na ring gulong kinasangkutan. Ayon sa Associated Press, ang kanyang dating asawa, si Jennifer Bitterman, ay nagreklamo na inuntog ni Jace ang kanyang ulo sa pader. - US Weekly