BERLIN (AP) - Mahigit 30 katao ang isinugod sa ospital matapos kumidlat sa kasagsagan ng soccer match ng mga bata sa Germany, ayon sa pulisya.

Tatlong katao ang grabeng nasugatan sa insidente sa bayan ng Hoppstaedten, ayon sa pulisya—kabilang ang 45 taong gulang na referee na inatake sa puso matapos direktang tamaan ng kidlat.

Ang 29 na bata, nasa edad 9-11, na nakiisa sa laban sa pagitan ng local team na SG Perlbachtal at SG Meisenheim, ay isinugod din sa ospital bilang “purely precautionary measure,” anang pulisya.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline