Ilang linggo makaraang iproklamang panalo sa pagka-alkalde ng bayan ng San Enrique sa Negros Occidental, namatay nitong Biyernes si Mayor Mario Magno dahil sa atake sa puso.

Ayon kay Ma. Ester Espina, tagapagsalita ng alkalde, namatay si Magno, 64, dakong 3:15 ng umaga nitong Biyernes sa isang pribadong ospital sa Bacolod, dahil sa mga kumplikasyon ng sakit sa puso.

Huwebes ng hapon nang isugod si Magno sa pagamutan makaraang atakehin ng sakit sa puso.

Sumailalim sa kidney transplant limang taon na ang nakakaraan, si Magno ay kumandidato nitong Mayo 9 bilang re-electionist.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dahil dito, agad na pinanumpa sa tungkulin si Vice Mayor Abner Jardinico bilang bagong alkalde ng San Enrique.

(Fer Taboy)